Noveleta Hymn
Noveleta, Noveleta
Bayan ng Kagitingan
Pagka't dito ay sumilang
Mga bayani ng himagsikan
Heneral Alvarez,
Villanueva at San Miguel
Nakihamok - nakibaka
sa mananakop na dayuhan
Kay sarap na mamuhay
dito sa ating bayan
Ang hangin ay sariwa,
Ang paligid ay payapa
Ang mga mamamayan
ay may magandang asal,
At ang mga pinuno ay dakila at marangal
Noveleta, Noveleta
Bayan naming mahal
Kami ay handang maglingkod
Sa iyo o Bayan ko
Tayo na't magkaisa
Tungo sa kaunlaran
Noveleta, Noveleta
Saksi sa kalayaan
Dahil dito ay dumaloy
Ang sting pambansang kasaysayan
Labanan sa Kalero
Bahagi ng nakaraan
Relihiyon,
Edukasyon at
Lipuna'y ating yaman
Kay sarap manirahan
Dito sa aming bayan
Mga Tao'y maligaya
Kabuhayan ay sagana
Ang mga mamamayan
Laging maaasahan
At may lahing bayani
Mapagmahal sa Lipi
Noveleta, Noveleta
Bayan naming mahal
Kami ay handang maglingkod
Sa iyo o bayan ko
Tayo na't magkaisa
Tungo sa kaunlaran
No comments:
Post a Comment