Page

UBAS Ugnayan ng Barangay at Simbahan

http://www.dilg.gov.ph/ugnayan-ng-barangay-at-simbahan/
Ay isang programang pinakikitaan ng matibay na ugnayan ng simbahan at barangay na naglulungsad ng makabuluhang partisipasyon ng mamamayan sa usapin ng pamamahala. Kabilang ang pagsubaybay sa pagpapatupad ng mga proyektong benepisyo sa mga mamamayan at barangay.

Ang U.B.A.S. ay isang samahan na binubuo ng mga kinatawan ng barangay, simbahan at ng DILG na ang pangunahing adhikain ay sama-samang isulong ng maayos, payak at matuwid na pamamahala. Nagsimula ang U.B.A.S. noong taong 2011 sa pagtanggap ni Bishop Antonio Tobias, ng Diocese ng Novaliches, sa paanyaya ng dating Kalihim Jesse M. Robredo; ang paanyaya ay upang hikayatin ang Simbahan na makilahok sa adbokasiya para sa isang matuwid na daan tungo sa isang maayos na pamamahalang lokal.

Ang DILG ay nagsasagawa ng hakbang na palawigin at lalong gawing makabuluhan ang pagtutulungan ng Simbahan, Barangay at DILG. Layunin ng DILG na pag-intigin ang partisipasyon at ugnayan upang maisakatuparan ang adhikain ng U.B.A.S. 

Ang taas ng antas ng partisipasyon ng mamamayan ay indikasyon ng isang empowered community; isa sa mga mahalagang layunin ng proyektong U.B.A.S.  Ang DILG ay maghihikayat ng suporta ng pamahalaang lokal kabilang na ang pagpapalabas ng isang direktiba para sa isang malawakang pagpapasagawa ng mga hakbangin samantalang ang Liga ng mga Barangay ay magsisiguro na ang U.B.A.S. ay maipatutupad ng mga miyembro na kinabibilangan ng 42,028 Barangay, at ang Simbahan naman ang siyang magsisilbing susi upang mas lalong maipalaganap at isabuhay ang ugnayan.

Mga kinakailangan hakbangin upang maisakatuparan ang ugnayan:
*Nakasalalay ang ikatatagumpay ng  U.B.A.S. sa pagkakaroon ng CONVENORS' GROUP, TECHNICAL WORKING GROUP, SECRETARIAT, at aktibong pakikilahok ng BARANGAY ACTION TEAM.
          CONVENORS' GROUP ay binubuo ng mga kinatawan ng Simbahan, Liga ng mga Barangay at DILG.
          TECHNICAL WORKING GROUP (TWG) ay mga counterparts ng mga kinatawan ng DILG, Simbahan atLiga ng mga Barangay sa convenor's group.
          SECRETARIAT ay pinangungunahan ng DILG.

Ang Convenor's Group, TWG at Secretariat  ay dapat mayroon sa Nation, Regional, Provincial,City at Municipal level. Ang Barangay Action Team (BAT) ay pinaka-mahalagang bahagi ng ugnayan dahil sila ang magsisilbing implementing arm ng proyekto.

Ang Ugnayan ng Barangay at Simbahan ay naniniwala sa kahalagahan ng Active People's participation; ang partisipasyon ng mga mamamayan ay makikita sa pakikilahok sa pagbubuo ng plano ng Barangay Action Team na s'yang magiging gabay para sa pagpapatupad ng U.B.A.S. ito ay nasasaad sa nilagdaang kasunduan, na ayon kay Cardinal Antonio Tagle: "Yayabong ang ugnayan kung katuwang ang simbahan sa pagpapaigting ng community participation"  - ang U.B.A.S. ay bibigkisin ng kalinga at patnubay ng simbahan.

Ang pagkakaisa ng DILG, Liga ng mga Barangay at ng Simbahan sa pamamagitan ng U.B.A.S. ay isasakatuparan sa apat na areas of engagement:
1. Magtuwang para bantayan ang pagpapatupad ng mga proyektong bunga ng "Grassroots Participatory Process (GPP).
2. Magsakatuparan ng isang makabuluhang pakikilahok ng mamamayan sa pagpapatupad ng mga proyekto ng DILG lalo na yaong may kinalaman sa pagpapaangat ng antas ng pamamahala sa pamahalaang local.
3. Magsagawa ng mga inisyatibo upang mapaigting ang laban sa katiwalian at magsulong ng mga gawain para sa isang hayag, tapat, at epektibong pamamahala.
4. Magsagawa ng nararapat na inisiyatibo na tutuon sa mangangailangan na natukoy sa pakikipagtulungan ng mamamayan.


No comments:

Post a Comment