Page

LIBRENG PANGANGANAK

Libreng Panganganak Hindi  maipaliwanag ang damdamin ng isang ina sa oras na malaman niya  na siya’y nagdadalang-tao. Magkahalong saya, takot  at  kaba ang kanyang nararamdaman sa mga unang  buwang  ng kanyang  pagbubuntis. May morning sickness, pagkahilo, pagsusuka, at paglilihi  sa   mga  pagkain,  bagay, amoy, tao at iba pa. Sa kabila ng magkakahalong  emosyon, makakaramdam din ng kaba lalong lalo na kung  paano nga syamanganak, normal ba ito o ung cs na  tinatawag.  May sapat nabang ipon para  sa pangangailangan at panganganak. Kaya naman naglunsad ng  programa  ang bayan ng Noveleta sa pangunguna ng butihing  Mayor Dino R. Chua ng  mga  libreng  paanakan  o lugar  na kung saan pwede kang manganak ng walang  anumang  gagastusin  ito ay upang masiguro ang kaligtasan  ng  isang  ina at  ng kanyang supling. Para sa mga nanay, nay, mama, inay, o mommy narito ang mga sumusunod na maternity na maaaring puntahan  upang  manganak  ng  libre.   Ito  ay  ang:
-Mother's Love    
-Fonseca's Maternity  and  Lying-in  Clinic   
-Gina  O.  Sta. Rita  Lying-in Clinic    
-Baby  Guelos Lying-in. 

Ito ay  upang  maiwasan  ang  anumang delikadong pagbubuntis o tinatawag din low risk pregnancy. Kaya naman isang payo  sa  mga  mister  na  hindi  dahil libre ang panganganak ‘wag  naman maya't  mayain si Misis laging  isaisip  ang  kapakanan ng ating mga supling,  matuto  magplano  at  mag  family  planning. 

No comments:

Post a Comment