Page

Regular Monthly Job Fair

Pero  hindi  pa dyan nagtatapos ang pagmamahal ni  Mayor  Reyes -Chua  sa  larangan ng paggawa, inilunsad din niya ang  programang MONTHLY JOB FAIR sa Bayan ng Noveleta. Kung saan sampung (10) kompanya o higit pa ang lumalahok sa nasabing job fair upang kumuha ng trabahador sa bayan ng Noveleta.  Ang proyektong Monthly Job Fair ang kaisa-isa at kauna-unahang gumawa nito sa lalawigan  ng  Cavite o maging sa buong bansa. “Maraming nagsasagawa ng job fair, pero ito’y  minsanan lang. Tuwing foundation day ng isang  bayan o  birthday ng alkalde. 
Pero hindi buwan-buwan tulad  ng ginagawa ni Mayor Dino.” Ayon naman kay Jocelyn Conception, pangulo ng Partido  Manggagawa  sa bayan ng Noveleta.  Dahil sa  proyektong ito ng bayan  ng  Noveleta, naging malaganap  ang  slogan  na  ‘Bawal   Ang  Tamad Sa Noveleta’. “Dahil dito  po  sa  Noveleta,  trabaho  ang  maghahanap  sa ‘yo!”  pagdidiin ni Mayor Dino Reyes Chua.

No comments:

Post a Comment