Page

Zumbandila 2017 para sa Araw ng Kalayaan

Ulat ni: Mon Gualvez (TV5)

Idinaan sa Zumba ng mahigit 500 empleyado ng munisipyo, guro at mga residente ng Noveleta , Cavite ang paggunita sa araw ng  kalayaan. Suot ang mga damit na kulay asul, puti, dilaw at pula sila ay sabay-sabay umindak bilang pagpapakita raw na hindi pa rin nakakalimutan ang pag-alala sa araw ng kasarinlan ng bansa kahit sa makabago at malikhaing paraan.
Matapos ang tinawag nilang "Zumbandila", sabay-sabay naman nag martsa ang grupo mula munisipyo ng Noveleta patungo sa Soriano bridge kung saan binura nila ang pangalan ng nasabing tulay; ipinangalan kasi ito sa dating gobernador ng Cavite, na si Artero Soriano, pero bago 'yan mas kilalang Calero bridge kung saan mahigit apat na raang kawal ng Kastila ang napatay ng mga Katipunero kaya nais ng lokal na pamahalaan ay ibalik ang dati at makaysaysayang pangalan ng tulay. 
Wika nga ni Mayor Dino Chua: "'Di po namin nakikita ang significance ng pangalang 'yan dahil mas importante po sa amin na laging maalala ng mga kabataan ngayon ang ginawang kabayanihan ng mga taga Noveleta nung manalo sila sa battle of Calero.

Nakatakdang magpasa ng resolusyong ang Sanggunian ng Noveleta at Cavite Provincial Council para sa pagpapalit ng pangalan ng tulay na maituturing daw na may malaking papel sa kasaysayan ng bansa.

Related Materials:

No comments:

Post a Comment