Page

Ideneklarang Walang Pasok sa buong Cavite dahil sa Walang tigil na Pag-ulan

Dahil sa patuloy na orange warning ng NDRRMC ay alas nuwebe (9:00pm) pa lamang ng gabi Augusto 12, 2018 ay ideneklara na ng maaga ng butihing mayor ng Noveleta na si Dino Reyes-Chua na walang pasok sa pribado at publikong paaralan sa buong Noveleta para sa araw ng Lunes, Agosto 13, 2018, upang makapaghanda maigi ang bawat pamilya sa kung sakaling may darating na higit na sakuna maliban sa walang tigil na pag-ulan kagaya ng biglaang pagbaha at iba pa; pinapaalalahanan na mag-ayos na ng mga gamit at patibayin ang mga pundasyon ng kani-kanilang mga bahay, at pinapayuhan rin na magsilikas na ng kanilang mga tahanan kung kinakailangan. Samantala idineklara ni Governor Boying Remulla na walang pasok sa buong Cavite nitong madaling araw na ng Agosto a trece.
Photo Credit to Dino Chua
Makikita sa larawan na padami na ng padami ang mga nagpupunta sa evacuation center na bitbit ang kanilang mga supling samantalang ang mga kalalakihan ay naiiwan sa kanilang mga bahay upang ito ay bantayan.
Photo credits to Mae Valero, Rommel Atalalia
Agosto a trece na at wala pa ring tigil ang pag-ulan hari nawa naman na ang water level sa Ilang-Ilang river ay nasa normal pa rin. Bagamat hindi tumataas ang water level sa nasabing ilog ay bente kwatro oras  nakatutok at nagmo-monitor ang opisinal ni Mayor Dino Chua upang kung may nangangailangan ay mabigyan sila ng agarang tulong.





No comments:

Post a Comment