Page

Bayanihan sa Bayan - Libreng Philhealth

Dinagsa ng mga tao ang programang "Bayanihan Para sa Bayan" ni Mayor Dino Reyes-Chua. Ang nasabing proyekto ay naglalayon ng pagkabuo ng mga samahan sa bawat barangay ng Munisipalidad ng Noveleta upang maging bahagi ng isang social awareness campaign laban sa sunog, bagyo o anumang sakunang darating sa bayan ng Noveleta.  Ang  distribution ng libreng Philhealth, ticket para sa mga rasyon ng bigas ay ang samahan na ng Bayanihan sa Bayan ang mamamahala upang ipamahagi sa kanilang barangay at di na kailangan pang dumaan sa mga Punong Barangay. Sa pamamagitan ng ganitong sistema ay mas mapapadali at mas magiging patas ang pamamahagi ng mga biyaya galing sa gobyerno.
Idinaos sa Noveleta market rooftop ang Bayanihan sa Bayan noong March 21, 2019 na talaga namang dinagsa ng mga tao na meron ring pusong bayani na ang hangarin ay makiisa sa isang napakagandang programa at makatulong sa taong bayan ng Noveleta.
Sa mga darating na panahon ay sasailalim ang mga kasapi ng Bayanihan sa Bayan sa mga training kagaya ng sa pagresponde sa panahon ng sunog, bagyo, aksidente o anumang sakuna na mangyayari sa kani-kanilang barangay.
Dumalo rin ang mga kawani ng Philhealth upang magkaroon ng sariling Philhealth ID at Members Data Record ang mga miyembro.
Bago matapos ang programa ang mga kasapi ay nagkakaroon ng libreng Philhealth na magagamit nila sa hospital at upang ipagamot ang kanilang sarili o ang kanilang mga dependent.


Related Materials
Photos: I Love Noveleta

No comments:

Post a Comment