Page

TIME TRAVEL BACK SA MARUMING DAGAT NA NGAYON AY ISANG TOURIST DESTINATION

Kung noon ay ok lang maligo sa isang maruming beach resort dahil sa kadahilanan na ito ay hindi natin alam na ang dagat ay marumi. Maaakit tayo sa malinis na lagusan papasok ng Villamar resort at malinis na pasilidad sa loob ng resort. It was way back 2016 nang nag start kaming mag celebrate ng 9th birthday ng anak ko. 
Bagsak pala sa fecal coliform test ang dagat nito at nalaman lamang ang impormasyon na iyan ng maluklok bilang Mayor ng Noveleta si Hon. Dino Reyes Chua. Ipinasuri ng Noveleta Mayor ang estado ng kalinisan ng dagat at napagkaalaman na napakaraming bacteria ang naninirahan o nabubuhay sa dagat na ito at nang Abril 2018 matapos ang malawakang awareness campaign upang sagipin ang dagat ay pumasa na ang tubig ng dagat ng Noveleta at ito ay ayon na rin sa DENR.

Ano ba ang COLIFORM BACTERIA TESTING? Ang coliform bacteria testing is a primary testing kung gaano kalinis ang tubig at masusukat kung gaano karami ang disease causing bacteria na matatagpuan rito sa tubig. Resulta bagsak sa kalinisan ang dagat sa Noveleta at ito ay noong taong 2016.
Isa sa mga proyektong tinutukan ni mayor Dino Reyes Chua ay ay ang rehabilitation ng beach ng Noveleta nais nyang manumbalik ang sigla ng Noveleta. Kilala ang bayan ng Noveleta dahil sa magagandang beach resort at romantic sunset, kung kaya't nagsagawa sya ng Bayanihan Coastal clean-up. Lahat ng paraan ay inisip upang gumanda at hindi na mamaho ang dagat at baybayin nito. Ang bayanihan coastal clean-up ay umabot na sa lebel ng pag-iimbita ng mga beauty queens upang tumulong sa paglilinis, nakilahok rin sa bayanihan ang mga residente ng noveleta at mga kaibigan mula sa ibang bayan, maging ang partisipasyon ng at pagkilos ng mga NGO'S.
Bbinigyan ng kanya-kanyang toilet bowl ang mga residente sa dagat at namigay ng puhunan upang makapag-umpisa ng kanilang sariling negosyo ang mga taga baybaying dagat; Nagbukas o nakapagpatayo ng fish market upang may sariling lugar ang mga mangingisda na bagsakan ng mga sariwa at murang isada;  at higit sa lahat nagsagawa ng advertising campaign ang alkalde upang dumugin ng mga turista ang bagong Longbeach sa Noveleta upang ang kanilang negosyo ay tauhin at dumami ang benta.

Hindi madali ngunit kitang-kita na walang imposible sa taong marunong mangarap at toong nagmamalasakit. 

Saksi ako sa pagiging isang maganda at masiglang resort ng New Longbeach na dati ay nabansagan na ng ilang mga taong pumunta rito as TAE BEACH, dahil sa kanilang pamamasyal at paliligo ang bubulaga sa kanila ay mga lumulutang na tae, nakabaon na sanitary napkins at diapers.

Napaka daling isipin ngunit napakahirap gawin. Isa itong matagumpay na proyekto para sa pagbangon ng turismo sa bayan ng Noveleta. Salamat kay Mayor Dino Reyes Chua.

No comments:

Post a Comment