Page

Pambansang araw ng Watawat ng Pilipinas

KAilan nga ba talaga ang pambansang araw ng watawat ng Pilipinas?

Marami ang nalilito kung kailan nga ba dapat ipinagdiriwang ang anibersaryo ng watawat ng Pilipinas nang dahil sa mga salin-kwento ng mga matatanda na buhay o sumasariwa sa nasaksihan nilang pagwawagayway ng pambansang bandila ng Pilipinas.

Ang Pamahalaang Bayan ng Noveleta sa pangunguna ni Mayor Dino Reyes- Chua ay nakikiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat na sinisimulan ngayong Mayo 28 hanggang Hunyo 12. Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 8491, ipinagdiriwang ang Pambansang mga Araw ng Watawat o National Flag Days tuwing Mayo 28 hanggang Hunyo 12 ng bawat taon. Ito ay bilang pagbibigay pugay sa Pambansang Watawat ng Pilipinas.

"Noong Mayo 28, 1898, unang iniladlad ang bandilà ng Pilipinas matapos magapî ng Sandatahang Mapanghimagsik ng Pilipinas ang mga puwersang Español sa Labanan sa Alapan, sa Imus, Cavite.

Pormal pa lámang na ipahahayag noon sa araw ng labanan ang bandilang pambansa. Pormal itong ipinakita sa mga tao noong Hunyo 12, 1898.

Nang 1919 muling ginawang legal ang bandila ng Pilipinas hanggang 1940, inaalala ang Araw ng Bandila tuwing Oktubre, ang araw na ibinalik ang bandila ng Batásan ng Pilipinas.

Mula 1941 hanggang 1964, inaalala ang Araw ng Bandila sa araw ng paglaladlad ng bandilang pambansa sa Kawit: Hunyo 12.
Subalit noong 1965, mula nang isinabay ang Araw ng Bandila sa Araw ng Kalayaan, naglabas si Pangulong Diosdado Macapagal ng Proklamasyon Blg. 374, s. 1965 na naglilipat sa Mayo 28, ng Pambansang Araw ng Bandila–upang alalahanin ang araw ng unang paglaladlad sa labanan ng pambansang sagisag na ito.
Noong Mayo 23, 1994, naglabas ng Kautusang Ehekutibo Blg. 179 si Pangulong Fidel V. Ramos na nagpapahaba sa Pambansang Araw ng Bandila mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, na nagtatapos sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Hinihikayat ang lahat ng Filipino na itanghal ang bandila ng Pilipinas sa lahat ng mga opisina, mga ahensiya, at mga sangay ng pamahalaan, mga pook ng komersiyo, mga paaralan, at mga tahanang pribado sa buong panahon na ito."

No comments:

Post a Comment