Kasaysayan ng Barangay San Rafael IV

Ang Barangay San Rafael IV, ay dating sakop lamang ng Barangay San Rafael II na noon ay dalawang barangay lamang ang San Rafael. Kaya kung tawagin ito noon ay Dos Medya ng mga taga Bayan, dahil ito ay malayo sa kabayanan at halos nasa boundary na ng Cavite City. 

Pinamumunuan ito ni Konsehal BENJAMIN "AMIN"  SAMARTINO na noong mga panahon na iyon  ay isa sa mga Konsehal ng San Rafael II at dahil malayo ito sa kabayanan ibinigay ng dating Alkalde ng Noveleta na si Mayor Pepe Reyes ang pamumuno.

Dahil sa kanyang pamumuno nakita nya ang mga problema at isa na rito ay ang mga dumarating na tulong o biyaya na galing sa bayan , maliit na porsyento na lamang ang napupunta sa kaniyang nasasakupanat kung minsan ay wala pa dahil sa laki ng nasasakupan ng San Rafael II at dami ng naninirahan dito.

Kaya minimithi niya na ito ay mapahiwalay at makapagsarili kaya't noong nagmungkahi si Pangulong Ferdinand E. Marcos na hatiin ang mga barangay sa pamamagitan ng isang  plebisito na YES or NO na kung gustong mahati ang barangay.

Hindi nagdalawang isip si Konsehal Amin at kaniyang kinausap si Kapitan Virgilio "Biling" Manalo na mapahiwalay, nang sumang-ayon si Kapitan Manalo ay kanila itong ipinursige kasama ng mga kapatid at kaanak, at kanila itong inilipat sa mga kakilala at mga kamag-anak na nasa bayan na kung maaari ay YES ang iboto at maging regalo na lamang nila sa araw ng pasko, at sa awa ng poong maykapal ay nagbunga ang kanilang pagpupunyagi  at mapahiwalay na ng lubusan ang barangay at binigyan ito ng pangalang na BARANGAY SAN RAFAEL IV, na hinango na rin sa pinagmulang barangay, at kauna-unahang naging kapitan si Benjamin "Amin" Samartino sa paghirang ni Mayor Virgilio Saqui noong 1991.


No comments:

Post a Comment

All Time Traffic