Brigada Eskwela 2012

photo from: Eldee Carsula Saclolo
Nagtanong ang isang concerned citizen na nagngangalang Philip Medina kung patungkol saan ang nasasabing BRIGADA ESKWELA kung anong klaseng handaan ang meron na sya namang tinugunan ni Josephine Diang Padua sa isang mainit na diskusyon sa facebook, wika nya na ito ay di isang kainan datapwat ito ay isang "BAYANIHAN" sa pagsasa-ayos at paglilinis ng facilidad ng eskwela bilang paghahanda sa darating na pasukan ng mga estudyante nitong June 2012.

Ang nasabing Brigada ay magsisimula sa Mayo 21, 2012 na magtitipon-tipon sa Municipal Plaza ang mga volunteers at paparada papunta sa kanya-kanyang gustong linisin na Pampublikong Paaralan. Magpapatuloy ang linis eskwela hanggang May 26, 2012.

Marami ang nagpapakalat ng balitang ito at isa na rito si Mam Sonia Calinog na nagi-imbita ng mga parents, donors,stake holders parasuportahan ang isang programa na hatid sa inyo ng DepEd.

No comments:

Post a Comment