Pagkilala kay Rev. Feliciano Camia of United Church of Christ Disciples

Katitikan ng mga pangyayari sa flag ceremony na naganap noong ika 29 ng Mayo taong 2017 sa Plaza ng munisipyo ng Noveleta, Cavite.
Kinilala at pinasalamatan si Rev. Feliciano Camia ng pamahalaang pastor ng simbahang United Church of Christ Disciples San Rafael II, Noveleta, Cavite, na hanggang sa loob ng labing isang taon na panunungkulan bilang pastor ay nagpamalas sysa ng malasakit di lamang sa mga miyembro ng iglesia  na kanyang kinabibilangan kundi sa mga komunidad na kanyang ginagalawan.

Pinaaabisuhan rin ni Mayor Dino R. Chua ang mga magulang ng sa public Day Care Centers na pedeng 'wag na munang bumili ng bag  at mga school supplies  sapagkat may libreng mga gamit eskwela at bag na ipamimigay para sa kanila.

Nabanggit rin ang pangalang Aryan na taga tambakan na kung saan ang kanyang mga magulang ay araw-araw na nagdarasal na sana may himalang dumating sa kanilang buhay dahil halos milyon ang magagastos kung ito ay maooperahan sa puso, nasabi ring lumalaki ang butas sa puso nito. Sa pakikipagtulungan ni Dra. Bucu, na doktora ng Noveleta Health Center, at pakikipag-coordinate sa iba't ibang ahensya ay maaaring maipadala si Aryan sa Korea at doon ooperahan ng libre; nakakuha naman ng passport at na-approve na rin ang visa ng mag-ina ng walang gagastusin sa pamasahe sa eroplano at pati na pangpa-opera sa puso.
Excerpt from the regular Monday Flag Ceremony of Noveleta, Cavite:
short version of the video

Photos from:

No comments:

Post a Comment

All Time Traffic