LIBRENG KASALAN AT HANDAAN: "Higit 100 pares ikinasa sa Mass Wedding" with Unang Hirit 2017

Sa kauna-unahang  pagkakataon  sa   kasaysayan  sa   bayan ng Noveleta ay nagkaroon ng mass wedding na nilahukan  mahigit 100 pares. At live telecast sa national television ng programang Unang Hirit ng GMA 7. Ang nasabing mass wedding ay ginanapnoong Araw ng mgaPuso, Pebrero 14, 2017 sa  El Palacio Hotel and Resort. 
Ang programang ito ay bilang bahaging pagpapalawak ng sambahayang Kristiyano. Bukod sa libreng kasalan, nagkaroon din ng  libreng  masaganang handaan, libreng bouquet  ng bulaklak, libreng cake, souvenirs at kung anu-anopa. Taliwas  sa tipikal na mass wedding na kung saan  ang  magkaparehang ikinakasal ay  nakaupo  lamang   at   magseseremonya lang ang mayor, sa nasabing mass wedding ni Mayor Dino R. Chua  ay  isa-isang nagmartsa  ang  mga ikinakasal  sa  red carpet,  habang    tinutug-tugan ng   wedding singer  na si Bryan Olano at live piano performance. Nasa pagtitipon din ang mga kilalang personalidad na mga host sa Unang Hirit na sina Love Añover, Hiro Peralta, at si Arn-Arn.

Video clips from Noveleta Town
Video clips from with GMA TV with Love Anover

Photos:
I Love Noveleta





No comments:

Post a Comment