NOVELETA: LITTLE SINGAPORE NG CAVITE

Ang   tanging   pangarap  ni  Mayor Dino Reyes-Chua  o  mas  kilala sa tawag  na “Ninong ng Bayan” ay maging Little Singapore ang Bayan ng Noveleta. Maihahalintulad ng Noveleta sa bansang Singapore na pinaka-maliit na bansa sa Asya ngunit isa sa pinaka-maunlad, pinaka-progresibo, malinis  at  disiplinado ang mga  tao.  Katulad din ng Noveleta, ang tinaguriang pinaka-maliit  na bayan  sa  buong lalawigan  ng Cavite ngunit may malaking potential na magingisa sa pinaka-maunlad na bayan sa buong lalawigan ng Cavite. Pangarap din ni  Mayor Ninong  na ang ovNta  ay maging  maunlad  na bayan na may maunlad na  mamamayan. “Ang Tunay na batayan ng isang bayan  na  maunlad  ay ang makitang umuunlad din ang mama-mayan!” wika ni MayorDinoReyes-Chua. Maihahalintulad   sa isang  Ama ng  Tahanan na  ang tanging  kagustuhan ay ang kabutihan ng kanyang  mga  anak at  makitang gumaganda  ang kanilang mga buhay. Kaya naman sa kabila ng  katotohanan na sa tagal ng panahon ay  hindi na naka-ahon ang bayan ng Noveleta sa pagiging  3rd Class  Municipality, nagsusumikap si Mayor Ninong na maibigay ang  “Serbisyong First Class” sa mamamayan ng Noveleta sa  abot  ng kanyang makakaya. Handa siyang ialay angkanyang galing, talino, malasakit at koneksyon upang  makamtam ang layunin na maging First Class Municipality ang bayan ng Noveleta. Samahan natin siya sa kanyang “VISION” na maging Little Singapore ang pinaka-mamahal nating Bayan. “Ako po’y naniniwala mas magagaling at mas magigiting ang mga Noveleteño!” ani ni Mayor Ninong.

No comments:

Post a Comment