Noveleta Senior Citizens free movies at SM City Rosario Cavite

LIBRENG SINE PARA SA MGA SENIOR CITIZEN Labis na ikinatuwa ng mga  seniors ang libreng sine  na handog ni Mayor Dino Reyes -Chua kung saan  lahat  ng  senior citizens  ng Noveleta ay maaring  makapanood  ng sine ng libre sa SM Rosario tuwing Huwebes. Marami ang nagulat na ang isang maliit na  bayan ng Noveleta ay kaya palang makapagbigay ng kasiyahan  sa lahat  ng  lolo  at  lola.  Ito  ay  kina-iinggitan  na  din ngayon ng iba’t ibang mga bayan sa buong probisya ng Cavite  dahil tanging ang Noveleta lamang ang kaisa-isang  munisipyo na nakakapagbigay ng ganitong proyekto. 
Napag-alaman  din na may mga ciudad na nagbibigay din ng libreng sine gaya ng Bacoor City,  Dasmarinas  City  at  Imus City ngunit ang mga lugar na  ito ay  pawang  mga  ciudad at ang   mga   ciudad   na  ito  ay   mga   bilyonaryo  sa   pondo. Ang Noveleta ay isang Munisipyo  lamang  ngunit nagagawa nito ang serbisyong first class para sa mamamayan. “Walang imposible kay Mayor Dino Reyes-Chua! 

1 comment: