9 Members ng Termite Gang Timbog sa Noveleta

Ang Noveleta Mayor's Action Team ay 24 oras na nagbabantay at naglilingkod para sa siguridad ng bayan. Bukas at fully functional ang mga CCTV, 'yan ang isa rin sa malawakang proyekto ni Mayor Dino Reyes Chua na mahigpit na tinututukan at pinapatupad - ang SEGURIDAD NG BAYAN.

"Binati at pinasalamatan ng ating Mayor Dino Reyes Chua sa isang Municipal flag ceremony na ginanap noong Mayo 21, 2018 sa municipal tone plaza. Ang buong Kapulisan ng Noveleta sa pangunguna ni S/INSP. ALLAN PANLAQUI, OIC Noveleta PNP, dahil sa pagkakahuli ng Termite Gang na siyang pinaghahanap sa buong CALABARZON." source: Twitter Noveleta PNP
Video Credits to TV Patrol
Matapos loobin ang isang pawnshop sa Noveleta, Cavite ay inabutan ng PNP Noveleta sa akto ang panloloob ng mga magnanakaw. Siyam (9) na miyembro  ang nahuli at napag-alaman na sila ay kabilang sa sikat na grupo  na kilala sa bansag na "termite gang"; Nang mahuli ay inamin nila na may tinatrabaho pa sila na isang pawnshop sa may General Trias.

Dumaan ang grupo sa isang drainage na may 300m ang layo sa pawnshop na kanilang nilooban. Nadiskubre sa butas ang mga ginamit ng grupo tulad ng volt cutter, hydraulic jack, grinder at maso; nakuha rin ang mga ginamit nilang sasakyan na naglalaman ng mga pampasabog at iba pang gamit katulad ng laptop. Dumating din sa scene of the crime si C/Supt. Guillermo Eleazar na Regional Directore, Police Regional Office 4A.

Pawang taga Mountain Province ang mga suspect na karamihan ay dating minero. Isa sa mga suspek ay si Allen Langtiwan na nakulong na rin sa parehong kaso. source: Ulat ni Jerome Lantin

No comments:

Post a Comment