Grand opening of New Long Beach Resort and Mass Beach Wedding 2019

Pagbubukas ng bagong Long Beach Resort ay sya ring pagpapatibay ng pagmamahalan ng mga magsing-irog na mag-iisang dibdib sa kauna-unahang mass beach wedding sa bayan ng Noveleta. Araw ng mga puso, February 14, 2019 (Thursday), ay ginanap ang grand opening ng new Long Beach Resort Barangay San Rafael IV Noveleta, Cavite sa ganap na alas kwatro ng hapon.
Marami ang namangha sa kanilang nasaksihan na transpormasyon ng dating maruming dalampasigan ng dagat at salamat sa pagpupursige ni Mayor Dino Reyes-Chua na mainumbalik ang dating ganda na 'di lamang basta ganda kundi pang turismong ganda.
Isa rin sa naging saksi ang isang senior citizen na si Nanay Belen at ani nya: "akala ko di ko na ulit makikita na maganda ang dagat na ito..."


Related Materials:

No comments:

Post a Comment