MECQ includes the province of Cavite, Noveleta town affected

August 03, 2020
Ulat ni Emilson Alvarez

Ibinalik sa ECQ or enhance community quarantine ang ilang mga bayan sa Pilipinas partikular na ang NCR (National Capital Region) at napasama roon ang bayan ng Cavite kung saan napapaloob ang maliit na bayan ng Novelta. Isa sa mga hiniling ng Punong bayan Dino Reyes Chua ang sana ay mapayagan ang byahe ng mga Tricycle para sa masa nagtatrabaho spagka't lalo lang mahihirapam ang masa kung ititigil ang pasada ng mga tricycle. Paliwanag ni Mayor Chua: "istriktong ipatutupad naman ang 1 passenger only policy para masunod ang social distancing."
Para naman sa mga guidelines ng MECQ ay inaabangan pa rin  ito. Ayon sa datu's na inilathala ng Alkalde ng Bayan sa kanyang official facebook page ay tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa covid-19:

Total No. of Cases - 47
Fully Recovered - 24
Deaths - ZERO

Pahayag ni Mayor Dino Chua sa taong bayan ay: "Sa pagbabalik ng Cavite Province sa Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ, huwag po natin sayangin ang efforts ng ating gobyerno na masugpo ang pagkalat ng covid19 sa ating lugar. Sumunod na po tayo sa patakaran at manatili nalang muli sa bahay para sa ating kaligtasan! Record shows na patuloy padin pong dumarami ang infected sa ating lugar!" 

Dalawampu't apat na ang naitatalang gumaling o naka recovered sa sakit na ito.


No comments:

Post a Comment