Noveleta Elementary School Handa na sa Distribution ng Self-Learning Modules

Nagbigay na ng mga self-learning modules ang Paaralang Elementarya ng Noveleta ito ay ang bunga ng kanilang maingat na paghahanda sa panahon ng pandemia. 
NES Teachers strictly implementing Social Distancing
Mayroong inihanda at sinusunod na pamantayan upang ang isang magulang ay makakuha ng mga learning modules para sa kanilang mga anak na elementarya pa lamang.  Panoorin ang pamantayan sa bidyong ito:
Malinis ang buong paaralan at lahat ng mga guro ay abala sa kanilang pag-aayos ng mga modules at pasilidad upang makaiwas sa hawa-hawa sa di-nakikitang kalaban na bayrus. Maraming mga nakahandang lababo o lugar upang maghugas ng kamay, mga alcohol container na nakalagay sa mga istratehiyang lugar sa exkwelahan, may footmat upang idisinfect ang kanilang ga tsinelas o sapatos, hands-free and pag-register using QR code scanning,  bawal maghiraman ng ballpen at ang lahat ay required na naka face mask at face shield. 
Lahat ay sumasailalim sa temperature check at kung mataas ang kanilang temperature sa kung ano mang dahilan ay meron namang "cooling area" kung saan sila ay pwedeng magpahinga hanggang bumaba na ang kanilang temperature at  magpatuloysa pagkuha ng learning modules para sa kanilang mga anak.
Sa bayan ng Noveleta ay uso ang bayanihan at marami ang nagmamalasakit at nagbibigay importansya sa edukasyon.

No comments:

Post a Comment