Secretary Panelo sa isang Talakayan Tungkol sa Kaunlaran Kasama si Noveleta Mayor Dino Chua

Serbisyong Number One

Nagkaisa ang mga Mayor ng Unang Distrito ng Cavite na sina Kawit Mayor Angelo G. Aguinaldo, Noveleta Mayor Dino Reyes Chua, Rosario Mayor Jose Voltaire Ricafrente at Cavite City Vice Mayor Denver Chua na isulong ang pagbabagong sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang "Talakayan" na ginanap kasama si Chief Presidential Legal Counsel, Sec. Salvador Panelo.

Ang nasabing talakayan ay ginanap noong ika-27 ng Pebrero taong 2021 sa Mount Sea Hotel and Resort sa bayan ng Kawit, Cavite.Isan talakayan tungkol sa pag-unlad ng Cavite at siniguro ng mga magigiting na pinunong nakiisa sa adhikain ni Pres. Rodrigo Duterte na kasama ang kanilang bayan, distrito sa mas mabilis na pag-unlad kasama ang mga mamamayan nito.

Makikita sa larawan ang isang one-on one talk ni Mayor Dino Chua at ni Secretary Salvador Panelo kung saan mas tinalakay nila mga darating pang mga magagandang proyekto sa bayan ng Noveleta. Build, build, buil ika nga ni Panggulong Duterte; ang build build, build advocacy na ito ay di lamang sa economiya ng bawat bayan kundi karagdagan o di kaya'y mga dadagsang trabaho sa bawat mamamayan.

No comments:

Post a Comment