ika-66 taong Anibersaryo ng Pagdating sa Bayan ng Noveleta ang Poong NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE / Nanay Paz

Novembe 13, 2021 ay ipinagdiwang ang anibersaryo ng pagdating ng Poong Nanay Paz sa bayan ng Noveleta, naitala na 66 na taon na itong nakaraan. Nagkaroon ng prusisyon sa labas ng simbahan / sa kalye at maraming dumalo sa prusisyong ito.

Kung tawagin ay Reina de Noveleta, dinaluhan rin ng alkalde ng bayan na si Dino Reyes Chua ang simbahang Aglipay . Sa pakiiisang ito ay kasama ni Mayor Chua ang kanyang maybahay, Vice Governor Jolo Revilla at G. Angel Revilla. Hindi rin mawawala ang Team Unlad Noveleta sa pagdiriwang ng ika-66 taong pagdating ng Nuestra Señora dela paz y Buen Viaje sa Bayan ng Noveleta.

Ang anibersaryong ito ay may katagang "NANAY PAZ: TANGLAW SA AMING PAGLALAKBAY TUNGO SA IISANG PANANAMPALATAYA" Ang banal na misa ay pinangunahan ni Monsignor Oscar Magdaleno kasama sina Padre Rizaldy Arnaiz at Padre Renn Danyer Malia. Kasama rin sa misa ang Herman Mayor sa taong 2021 na si Gng. Lucinda Pangco.

No comments:

Post a Comment