Luksang Parangal Para Kay Kgg. Eleonor Cerezo

Binigyan ng isang luksang parangal ang namayapang Eleonor Cerezo na kilala bilang sa katagang Anghel ng Lansangan  sapagkat kilala ang nasabing konsehala na tumutulong sa paghahatid sa hospital, malayo man o malapit, sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong medical. 

Si Eleonor Cerezo ay nanilbihan bilang ViceMayor ng bayan ng Noveleta at naglingkod rin bilang Konsehala ng bayan ng mga bayani; Si Konsehala ay iniukol nya ang kanyang nalalabing lakas ng katawan bilang OSCA Head ng bayan ng Noveleta.

Dumalo sina Mayor Dino Chua at ang team UnladNoveleta sa pagbibigay parangal na ito at dinaluhan rin ni Vice-governor Jolo Revilla ang angel ng lansangan.

Ngayong 2022 ay opisyal ng namaalam ang butihing konsehala ng bayan na si Konsehala Ellen Cerezo na ang kabutihang naibahagi sa mga taga Noveleta, Cavite.


No comments:

Post a Comment