Page

Lenovo Tablet M7 ipinamahagi sa mga Mag-aaral ng Science High School sa Noveleta

 Tama po ang nabasa nyo, Lenovo Tablet M7 ay ipinamahagi sa mga piling mag-aaral ng Science high school sa Noveleta Cavite na natanggap ng mga mag-aaral nitong ika-2 ng Marso taong 2022, ito po ay para sa mga estudyanteng nagkaroon ng problema sa kanilang mga gadget na ginagamit  sa online class.


Ang nasabing gadget ay isang programa ng Deped  na kung saan ang kanilang logo ay makikita sa pag-bukas pa lamang ng device.  Maaari nyo pong panoorin ang youtube video sa itaas upang makita ang specs ng gadget sa description box ng video na na-upload sa youtube. 
Maayos namang nagagmit ang device at pwedeng-pwede rin sa online video classes..
Sa unang pagkakataon sa historya ng Department of education dito sa bayan ng Noveleta ay nagpahiram ang DepEd ng gadget kapalit ng kanilang mga pinapahiram na textbooks.
Natatandaan ko nung bago pa lamang ang lockdown ay pino-problema ng mga guro ang pagpi-print ng mga modules na labis ang abala at gastusin, subalit pinatunayan ni Mayor Dino Reyes Chua na pwede naman palang mga gadget ang ipahiram sa mga mag-aaral bilang kapalit ng mga aklat noong sinubukan nyang mamahagi ng mini tablets  sa mga high school students. bilang patunay na pwede naman palang gadget kaysa mga libro ang ipamahagi sa ng mag-aaral.  At ngayon ay nagbunga ang kanyang initiative at vision para sa mga mag-aaral, salamat at natularan ng DepEd ang proyektong ito ni Mayor Dino Chua, nawa'y mas lalo pang paigtingin at higitan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

No comments:

Post a Comment