Panunumpa sa Katungkulan ng mga Bagong Halal ng Bayan Naganap sa Bagong tayong Gymnasium

Makikita sa larawan mula sa kaliwa ay ang incumbent mayor ng Noveleta, Cavite na si Dino Chua na nagwagi nitong halalan 2022. Katabi sa larawan sa itaas ay si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. at ang Bise-Gobernador ng Cavite na si Hon. Jolo Revilla na ngayo'y pinalad na manungkulan bilang Congressman sa 1st District of Cavite kung saan sakop ng kanyang papaunarin ay ang apat na bayan ng Kawit, Rosario, Noveleta at Cavite City.  Sa talumpati ng mag-amang Revilla ay binitawan nila ang kanilang katagang islogan na: " Sa nagkakaisang Cavite - Walang Imposible". Katabi rin sa larawan ni Mayor Chua ay ang kanyang kapatid na nanumpa rin sa kanyang katungkulan na si Hon. Davey Reyes Chua na nanalong Bukal o Board Member dito sa unang distrito ng Cavite.

Pagmasdan muli ang larawan at mula sa kanan ay ang mga nanalong Sangguniang Bayan Members o mas kilala sa katagang Konsehal ng Bayan na sina: Hon. Kate Bernal, Hon. Emelito Lontoc, Hon. Don Alvarez, Hon. Edwin Salud, Hon. Ronnel Lamit, Hon. Ricky Saria, Hon. Dave Manalo, at Hon. Renz Reyes

Kapansin-pansin rin ang 'di pagdalo ng Vice-Mayor na si Hon. Arlynn Torres sa Oath Taking Ceremony.

No comments:

Post a Comment