Wh@t's Happening:
JANUARY 5, 1868-2026: 158th Anniverssary ng pagkakatatag ng bayan ng Noveleta

Search This Blog

How to Get a Barangay Clearance

Paano kumuha ng barangay clearance? eto ang isa sa mga kailangan requirements na hinahanap kung gagamitin, sa eskwela, ID, bangko o kung saan man ito hinihingi ng ano mang ahensyang iyong kinakausap.

Step 1: Kumuha ng cedula sa Munisipyo sa Treasurer's Office. Sabihin lamang na kukuha ka ng cedula. May trabaho ka man o wala ay kailangan mong kumuha ng cedula kada taon.

Step 2: Magtungo sa Barangay Hall na nakakasakop sa inyong lugar na tinitirahan.

Step 3:  Magbigay galang at sabihin na kukuha kayo ng barangay clearance.

Step 4: Sabihin kung saan nyo gagamitin.

Step 5: Matapos nyong ma-interview ay mag-antay lamang ng kaunting sandali at ipa-process na ang iyong barangay clearance. Makukuha nyo na ito kaagad kung nasa opisina ang Punong Barangay o isa sa mga halal na kagawad ng barangay upang lumagda na patunay na totoo ang mga impormasyon na nakasulat sa clearance.

Step 6: lagdaan ang iyong barangay clearance at markahan ng inyong thumb print.

Step 7: Magbayadng kaukulang halaga depende sa uri ng barangay clearance na inyong kinuha. Mura lamang ang halagang inyong babayara, kayang-kaya ng inyong bulsa kahit wala kayong trabaho. Kadalasan libre lamang ang barangay clearance.

No comments:

Post a Comment