BARANGAY NG SAN ANTONIO I, NOVELETA - ISANG MAAYOS, MALINIS AT MAUNLAD NA BARANGAY

SA maraming Barangay dito sa Cavite, isa ang Barangay San Antonio sa mga Barangay na nakita kong malinis at maayos. “Nagkakaisa ang mga tao dito sa aming barangay at tulongtulong ang lahat na maging maayos at malinis ang aming kapaligiran. Maging ang pagbabantay sa gabi para mapanatili ang katahimikan sa aming lugar ay marami ang boluntaryo na tumulong sa pag papatrol sa gabi”,  ito ang pahayag ni Kapitan Ben Ledesma. Ang Barangay San Antonio I ay binubuo ng 2 Subdivisions ito ang Jordan Estate at Camella Homes. “Maging ang paglilinis sa mga imburnal ay halos kanya-kanyang linis na rin para maiwasan ang pagbaha sa lugar”, ayon pa sa Ama ng Barangay. Dahil sa pagkakaisa ng mga Home Owner’s Association ng dalawang subdivision naging maayos ang pamumuhay ng mga nasasakupan nito. Pinaguusapan na ng dalawang asosasyon sa pamumuno ng kanilang masipag na Kapitan Ben Ledesma maglagay ng mga street lights sa dalawang subdivision.
Sa Kinatatayuan nina Kapitan Ledesma, Kagawad Arnulfo Saquilayan, Kagawad Richard Salud ang Chairman ng Peace and Order at Erwin Castro ang Chief Barangay Tanod ay ang boundary ng Barangay San Antonio I at Kawit. Makikita sa  larawan ang mga paglilinis sa ilog.
Oplan Linis Creek – Sa pangunguna ni Kapitan Ben Ledesma kasama sina Sgt. Milo Batisla Ong Officer ng Home Owner’s Association ng Jordan Estate Subdivision, Brgy. Kagawad Arnulfo Saquilayan, Rene Villarente PRO ng Home Owner’s Association at Board Director, mga mangagawa mula sa Engineering Office at Mayor’s Office ng Noveleta ang nagtulong-tulong ma malinis ang mga kanal bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan. Kapag malinis ang mga kanal maiiwasan ang mga pagbaha sa lugar. 
Makikita naman sa larawan ang mga tropeo at parangal na natanggap ng Barangay San Antonio I, na buong ipinagmamalaki ni Kapitan Ben Ledesma. Kinikilala ang Barangay na isa sa mga malinis na barangay sa buong Cavite at maging sa buong CALABARZON Region IV-A. Maging sa larangan ng palakasan Champion ang Barangay sa Basketball at Men’s Volleyball.
Ito naman ang Barangay Health Center ng Barangay San Antonio I.
Makikita sa larawan ang pag gawa ng Rip Rap sa ilog mula kay Governor Jonvic Remulla. Ito ay malaking sa tulong sa barangay.
Si Kapitan Benjamin M. Ledesma na naging aktibo sa pamamalakad sa kanyang barangay. Sa kabuuan isang matahimik, malinis at maayos ang kanyang Barangay.
By: Cavite Exposé│ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012   

No comments:

Post a Comment

All Time Traffic