Dahil sa mabilis na pagtakbo ng teknolohiya ng mundo, maraming hanap-buhay na ngayon ang ginagamitan nito. Kadalasan ay nasa dulo lang ng mga daliri natin at galing sa pakikipagkomunikasyon ang kailangan para magkaroon ng disente at maunlad na buhay. Kaya kasing bilis din ng teknolohiya na naisip ni Mayor Dino na kailangan ay maging globally competitive ang kanyang mamamayan kaya agad nitong inilunsad ang FREE CALL CENTER Training Program. Sa programang ito na E-to-E — from Enrollment to Employment, magkaroon ng librengcall center training sa loob ng 15 days. At kapag nakatapos sa training ay agad kang ihahatid ng munisipyo sa kompanyang pag-aaplayan.Na kasalukuyang panahon na ang pinakamababang suweldo na P20,000- P25,000 hindi pa kasama ang benepisyo. May limang batch nang nakakatapos sa free call center training na ito na may kabuoang bilang na 150 trainees ang nabigyan ng trabaho.
No comments:
Post a Comment