Pero hindi pa dyan nagtatapos ang pagmamahal ni Mayor Reyes -Chua sa larangan ng paggawa, inilunsad din niya ang programang MONTHLY JOB FAIR sa Bayan ng Noveleta. Kung saan sampung (10) kompanya o higit pa ang lumalahok sa nasabing job fair upang kumuha ng trabahador sa bayan ng Noveleta. Ang proyektong Monthly Job Fair ang kaisa-isa at kauna-unahang gumawa nito sa lalawigan ng Cavite o maging sa buong bansa. “Maraming nagsasagawa ng job fair, pero ito’y minsanan lang. Tuwing foundation day ng isang bayan o birthday ng alkalde.
Pero hindi buwan-buwan tulad ng ginagawa ni Mayor Dino.” Ayon naman kay Jocelyn Conception, pangulo ng Partido Manggagawa sa bayan ng Noveleta. Dahil sa proyektong ito ng bayan ng Noveleta, naging malaganap ang slogan na ‘Bawal Ang Tamad Sa Noveleta’. “Dahil dito po sa Noveleta, trabaho ang maghahanap sa ‘yo!” pagdidiin ni Mayor Dino Reyes Chua.
No comments:
Post a Comment