Ang Pananakop sa Noveleta Tribunal ni Andres Bonifacio


August 31, 1896 - Ito ang araw nang manalo ang mga Katipunero laban sa mga Kastila sa bayan ng Noveleta. Napatay ng mga Katipunero ang mga kawani ng Kastila at mga guardia civil at nasakop nila ang Tribunal ng Noveleta. At mula noon ay nagging headquarters na ng Magdiwang  ang Tribunalkung saan si Andres Bonifacio na ang kanilang pinuno, na madalas rin na pumupunta at nagpupulong sa headquarters na ito

Napakaraming mga magagandang kasaysayan ang nangyari sa Tribunal at isa sa mga ito ay ang pulong nina Andres Bonifacio kasama si Josephine Braken (asawa ni Dr. Jose Rizal) at kasama rin ang mga magigiting na bayani ng Noveleta na sina Hen. Alvarez, Hen. Villanueva, at Hen. San Miguel. Para planuhin ang pagtakas sana n gating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa kulungan bago siya paslangin  o bitayin. Ngunit nagpunta si Josephine Braken at may dalang sulat na sinasabi ni Jose Rizal na ayaw nyang na sya ay tumakas at handa syang mamatay para sa bayan.

No comments:

Post a Comment

All Time Traffic