Oath taking of Newly Elected Barangay Officials and SK 2018

Ang Panunumpa ng mga Bagong Halal na Sangguniang Barangay at Kagawad sa Bayan ng Noveleta noong Hunyo 30, 2018, Sabado ika 10:00 ng umaga sa Noveleta Public Market Rooftop. Isang malakihang programa ang inihanda ng LGU (Local Government Unit) sa pagkakataong ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay bibisitahin tayo ng  Pangulo ng Senado, Republika ng Pilipinas na si  Kgg. Aquilino "Koko" Pimentel sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Mainit ang pagtanggap ng taong bayan sa mga bisita kasama na rin ang Congressman ng 1st District ng Cavite na si Kgg. Francis Gerald A. Abaya.
Personal naman ipinakilala ni Hon. Dino Reyes-Chua sa taong bayan si Senator Koko Pimentel bago ito magbigay ng isang napakagandang mensahe sa mga taga Noveleta.

Heto ang palatuntunan ng panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Sangguniang Barangay at ng Sangguniang Kabataan:
I. Panalangin
II. Pambansang Awit ng Pilipinas
III  Himno ng Noveleta
IV. Mensahe
     Kgg. Dionisio L. Torres
V. Mensahe
     Kgg. Dino R. Chua
VI. Mensahe
     Kgg. Francis Gerald A. Abaya
     Kinatawan, Unang Distrito ng Cavite
VII. Mensahe
     Kgg. Aquilino "Koko" Pimentel
     Pangulo ng Senado, Republika ng Pilipinas
VIII. Ang Panunumpa ng mga Bagong Halal na Sangguniang Barangay at Kagawad sa Bayan ng Noveleta
IX. Pagbibigay ng Plake ng Pagkilala
X. Mensahe
     Kgg. Emelito S. Lontoc
     Papalabas na Pangulo, Liga ng mga Barangay

Binigyan din ng parangal ang mga Punong Barangay na nakatapos ng kanilang termino

Related materials
Photos:
I Love Noveleta

No comments:

Post a Comment