Santiago Apostol Mayor

PANALANGIN KAY SANTIAGO APOSTOL
Mahal naming Santiago Apostol,
Mula sa pagiging mangingisda tinawag ka ng Panginoon
Upang mamalakaya ng sangkatauhan
na bubuo ng Kristiyanong Sambayanan.
Tulungan mo kami upang madinig
Ang tawag ni Kristo sa aming buhay.
Naging saksi ka sa mga mahahalagang pangyayari
Sa buhay ni Hesus.
Makita nawa namin sa aming paligid ang masaganang
Pagpapala ng Panginoon.
Sa iyong buhay, tinanggap mo ang kalis ng paghihirap.
Tulungan mo kami na maging matatag
Sa gitna ng mga pagsubok
At ng hamon ng buhay.
Tulungan mo kami sa aming mga pangangailangan,
(Banggitin ang sariling kahilingan)
Pagalingin mo ang aming karamdaman
Patatagin mo kami sa gitna ng aming kahinaan.
Dinala mo ang Mabuting Balita sa ibang bayan:
Makatulong nawa kami sa pagpapalaganap ng Simbahan
Sa aming paglalakbay, ikaw nawa ay aming maging gabay
Upang ang lahat ng tukso at kapahamakan na dulot ng
Kasalanan ay aming mapagtagumpayan,
Nang sa gayon kami ay makarating sa makalangit na
Tahanan.
Makasunod nawa kami kay Kristo,
Tulad ng pagsunod mo ng buong katapatan
Hanggang sa huling sandal ng aming buhay.
SANTIAGO APOSTOL, Ipanalangin Mo kami.

KASAYSAYAN NI SANTIAGO APOSTOL
Si SANTIAGONG MATANDA ay anak nina Zebedeo at Salome at matandang kapatid ni San Juan Ebanghelista. Iba siya kay Santiagong Bata (Mayo 11), na anak nina Alfeo at Maria Cleofas. Alagad ni San Juan Bautista, si Santiago ay naging apostol ng Panginoon at siya ay sampu ng kanyang mga kapatid na si Juan ay tinawag na Boanerges (mga anak ng kulog) ng Panginoon dahil sa kanilang kapusukan. “Panginoon, ibig mong magpababa kami ng apoy mula sa langit, at sila’y pugnawin?” tanong ni Santiago at Juan kay Kristo. (Lc 9:45) Ang mangingisdang ito ay nagkapalad na maging saksi na kasama sina San Pedro at San Juan sa pagkabuhay ng anak ni Jairo, sa pagbabagong anyo ni Kristo at sa pagpawis ng dugo ng Panginoon sa halamanan ng Getsemani. Siya ang unang namatay na martir sa mga apostol ng Panginoon noong taong 42, humigit-kumulang nang siya’y ipahuli ni Herodes Agripa sa Herusalem.
Sinasabing si Apostol Santiago ay nagtungo sa Espanya upang palaganapin ang pananampalataya at sa kanya’y nagpakita ang Birhen “del Pilar”. Ang kanyang relikiya ay nasa Kompostela, Espanya. Pintakasi ng Espanya at ng sakit ng reyumatismo, si Santiago ay nakakabayong maputi kung ilalarawan. Ang Papa Leon XIII ay sumulat ng isang bula tungkol sa katunayan ng kanyang relikiya sa Espanya noong 1884.

No comments:

Post a Comment

All Time Traffic