Fun Run Noveleta 2019

Takbuhan ang paraan ng pagbubunyi ng mga taga Noveleta sa dahilan ng pagdeklara ng PDEA at ng PNP na ang 16 na barangays ng Noveleta ay DRUG FREE. Kauna-unahan ang Noveleta sa 1st District ng Cavite na maging isang drug free town ngayong 2019.
Ang nasabing "fun run" na ito ay mayroong temang: "Takbo Noveleta Sa Salot na Droga Tayo ay Malaya Na !"
Mahigit 500 katao ang sumali sa event na ito at isa na rin rito ay si Mayor Dino Reyes-Chua. Pa pangunguna ni PNP Insp. Allan Panlaqui kasama ang PNP Noveleta ay nagsimula ang fun run sa may El Palacio ground barangay San Rafael IV, Noveleta at natapos sa municipal town plaza. Nagkaroon ng mga raffle at special awards sa mga nakilahok.

Marami ring sponsor ang event at isa na rito ang Home Along, Puregold, Bies Gotohan, PNP Chief Panlaqui, Mayor Dino Chua at marami pa sila.

Isang maituturing espesyal na araw nitong August 31, 2019 sapagkat di lang araw ng mga bayani sa Noveleta ay isa na rin itong pagdiriwang na drug-free municipality na ang bayan ng Noveleta.

Related Materials:
     I Love Noveleta
     Victory Church

No comments:

Post a Comment