Mayors Cup Basketball

Inihahandog ng Youth Development Office ang Mayor’s Cup basketball League na sinimulan noong November 26, 2017. Ito ay nilahukan ng iba’t ibang team mula sa iba’t ibang barangay ng Noveleta.
Nagtipon-tipon sa isang masiglang parade ang mga manlalaro along Magdiwang Bridge just in front of Puregold Supermarket. Bagama’t mainit at tirik ang araw ay excited silang lahat.

Patalbugan ang usapan sa larong basketball pero usapin din ng lahat ang magagandang muses ng bawat teams..

Nagbigay ng isang mensahe ang butihing Alkalde ng Noveleta na si Mayor Dino Reyes Chua, mga kasama, at panauhin.
Makikita ang pakikiisa ng mga Sangguniang bayan members, mga Kapitan ng Barangay at mga kagawad.
Meron ding bisitang manlalaro, isa na siyang PBA player ngayon na noon ay sa mga liga lamang ng  munisipyo naglalaro.

Sigawan, hiyawan. Mas lalong sumigla ang plaza ng Munisipyo ng Noveleta nang  rumampa ang mga maririkit at sexing mga muses.

Tumanggap ng prize money ang mga nanalo as best muse.

Meron ding nagpamalas ng talent sa pag-dunk. At nagbigay din ng sample ang bisita nating si Lervin Flores na dating nag champion sa NCAA slumdunk competition  Season 93

Syempre pa di makukumpleto ang ukasyon na ito kung wala ang ceremonial jumpball.

Ang basketball ay isang laro na kinagigiliwan ng lahat; ang basketball ay isa ring simbolo ng pagkakaisa, at meron nyan dito .... sa bayan ng Noveleta

Photos:
I Love Noveleta Basketball Parade / Mayor dino / Lervin Flores
Video:
ILNtv ayon sa ulat ni Graceshiene Sidocon

No comments:

Post a Comment

All Time Traffic