Buntis Congress 2019 sa Bayan ng Noveleta

Inanyayahan sa isang Buntis Congress na ginanap sa 2nd floor ng barangay San Jose 2 multi-purpose building, ang mga buntis na residente ng Noveleta at doon nakatanggap sila ng mga pagbubuntis kit na meron ring kasamang gatas at vitamins na maigi para sa mga nagbubuntis. Dumalo bilang panauhing pandangal sina Mayor Dino reyes Chua, BM Davey Chua, Vice-Mayor Arlene Torres at ilan sa mga Sangguniang Bayan Members.

Isang programang talagang kapupulutan ng mga magagandang kaalaman at mga tamang pag-aalaga tips para sa mga nagbubuntis.

Ginanap ang Buntis congress noong ika-15 ng Nobyembre 2019 at naroon rin ang mga Health Care workers g Bayan ng mga Bayani upang magbigay ng libreng check-up at payo para sa mga naggagandahang mga buntis ng Noveleta.

Ipinakilala ni Dra. Ma. Hilda Bucu si Mayor Dino Reyes Chua bago ito magbigay ng isang inspirational message.


click here to See more... 

No comments:

Post a Comment