Tropical Depression OFEL sa bayan ng Noveleta

Isang indikasyon ng panganib ang pagtaas ng water level ng Ilang-ilang river kung kayat sa mga panahong nakakaranas tayo ng Tropical depression ay tutok ang pamahalaan ng Noveleta sa kaligtasan ano mang oras ng sakuna; kasama si alkalde Dino Reyes Chua sa pagmo-monitor ng water level ng nasabing river at pati na rin sa pakikipag-ugnayan sa mga punong barangay sa mga panahon na malakas ang buhos ng ulan. 
Mayor Dino Chua kasama si LDRRMO Jeg Alix
Ayon sa ulat ng PAGASA ngayong ika-15 ng Oktubre sa ganap na alas onse ng umaga ang Tropical depression "OFEL"  ay nakalabas na ng Luzon at kasalukuyang nasa west Philippine sea palayo ng ating bansa sa bilis na 20 km/hr papuntang bansang Vietnam.
Pinapag-ingat rin natin ang ating mga ka nayon na maghanda na kung sakaling mayroon na namang mamuong bagyo na dadaan sa bayan ng Noveleta.

No comments:

Post a Comment