Isang Turn over ceremony ang naganap noong ika 23 ng Septyembre sa Noveleta National High School kung saan ipamimigay ang mga nasabing tablet ni mayor
Dino Reyes Chua
para sa mga estudyante sa ating paaralan. Lahat ng mag aaral ng Noveleta National Junior High School, Noveleta National Science High School at Noveleta National Senoir High School ay entitled at makakatagap ng tablet, ayon sa alkalde.
Nagkaroon na ng official turnover ng mahigit 3,000 piraso ng Tablet PC na ginanap sa Noveleta high School Main. Nais ni Mayor Dino Reyes-Chua na masiguro na ang lahat ng estudyante sa Noveleta National Highschool ay hindi na mamroblema sa kanilang “online class” or “E-Learning programs” pagdating ng pagbubukas ng klase sa October 5, 2020.
Ang Tablet PC na ito ay may kasama ding libreng Smart Sim Cards na may LTE or Free Data para makasagap ng internet. Ito ay sa pakikipag tulungan sa kumpanyang Smart PLDT.
Kamakailan ay nilunsad din ni Mayor Dino Chua ang paglalagay ng Free Wifi Hotspot sa lahat ng barangay halls, public schools at municipal plaza para masiguro na ang lahat ng batang noveleta ay may acces sa internet connection para sa kanilang pag-aaral. Mapalad ang mga kabahayan na katabi lamang ng kanilang barangay hall at umulan man o umaraw ay mayroon silang masasagap na libreng internet.
Nakatakda ding mamahagi si Mayor Dino Chua ng libreng laptops at tablet PC para sa lahat ng public school teachers sa Noveleta.
Ang kagandahan ng proyektong ito ay nailathala rin sa Manila Standards na may title na: "Noveleta LGU turns over free tablets for High School and SHS students" at namangha rin ang mga taga Rappler kung saan ginawan rin ng ulat na may title: "Some 3,000 students of Noveleta town in Cavite receive the tablets in time for the start of the new school year disrupted by the pandemic";
kasamang saksi sa turn-over ang Cavite Connect Team.
Tunay na magaganda at kapaki-pakinabang na proyekto lamang ang nasa puso at isinasagawa ni Mayor Dino Reyes Chua para sa bayan ng Noveleta.
No comments:
Post a Comment