Parusang Multa at Pagkakakulong sa mga Lalabag sa Ordinansa ng Basura sa Bayan ng Noveleta
January 19, 2021 nang nakipagpulong si Noveleta Mayor Dino Reyes Chua sa mga kapitan at konsehal ng barangay San Juan 1 at Magdiwang para solusyunan ang mga basura na tinatambak mismo malapit sa arko papasok ng bayan ng Noveleta kasama rin sa pulong si Ricky Olaes Saria ng Noveleta Traffic Management Head and Officer in Charge (OIC) in Solid Waste Management.
Bilang tugon ay nagtalaga ng mga pulis/ PNP at mga baranggay officials sa nasabing lugar sa may boundary ng Noveleta at Kawit. Mayroong ordinansa sa schedule ng paglalabas ng basura sa tamang araw, subalit kakahakot pa lamang ng mga basura ay tambak na naman kinabukasan kung saan na hindi takdang araw ng paglalabas ng basura. Kung kaya't nananawagan ang butihing mayor ng Noveleta na si Hon. Dino Chua na sa takdang araw ng koleksyon maglabas ng kani-kanilang basura. Mahigpit na pinagbabawal na ng mayor ang di pagsunod sa schedule ng tapon ng basura.
"Kooperasyon at Disiplina po ang hinihiling namin para sa ikagaganda ng lahat"
Mahigpit na binabantayan ang lugar upang hindi na ito mababoy at ang mahuhuli ay magmumulta at makukulong ng ilang araw bilang parusa sa paglabag.
Ang isang barangay ay dalawang beses hahakutan ng basura upang di matambak sa kanilang bahay ngunit hinihiling naman ang kooperasyon ng bawat mamamayan na ilabas lamang ang mga basura sa takdang araw at oras.
Sa mga village o sa interior subdivision sa lugar na iyon ay pinapaalalahanan na huwag na nilang dadalhin ang kanilang mga basura sa tabing kalye o sa main road at antayin na lamang ang isang maliit na truck na papasok sa loob upang magbahay bahay at kumolekta ng basura.
Bagama't mayroong nakapagsusumbong na nanggagaling pa mula sa ibang bayan ang mga nagtatapon ng basura kung kayat istriktong pinabantayan ito sa mga Pulis at barangay officials.
Isang problema na naman ang naayos at nasolusyunan ni Mayor Dino Chua para sa kapakanan ng lahat, para sa kapakanan ng bayan. Epektibong pangongolekta ng mga basura.
No comments:
Post a Comment