ANG PAGTATATAG NG PUEBLO NOVELETA
Bago sumapit ang dekada 1860 ay bahagi pa ng Cavite El Viejo (ngayo’y Kawit) ang Noveleta. Ito’y bahagi nila noon sa tawag na baryo “Tierra Alta” na nangangahulugang “mataas na lupa”.
Nagsimula ang kilos sa pagsasarili ng baryong ito nang magmapagpasyang ang mga taga- Tierra Alta noong 1866 na ihiwalay ang kanilang baryo mula sa nakasasakop na bayan ng Cavite El Viejo. Ang petisyon ay inigmamamayan ay tinangihan sapagkat kulang pa ang mga pangangailangan para sa pagsasarili nila bilang isang hiwalay na bayan. Pagkatapos ng isang taon ay muling inapela ang petisyon. Sa panahong ito ay nahirang na gobernador heneral ng pilipinas si Jose de la Gandara y Navarro kaya siya ang nagpagpasya kung nararapat ihiwalay ang Tierra Alta sa Cavite El Viejo at magsarili bilang isang bagong pueblo.
Ang mga nagpetisyon ay binubuo ng gobernadorcillo, mga cabezza de barangay at mga prinsipales ng Tierra Alta. Ayon sa kanila’y nararapat na silang gawing isang pueblo dahil sa mga sumusunod na dahilan:
- Palagi silang nilolooban ng mga tulisan.
- Mayroon silang 14 na cabezza de barangay sa Tierra Alta.
- Mayroon ng 1,323 na nalilikom na tributo.
Ang mga dahilan ito ay nagpapayag sa Consejo de Administracion na ihiwalay ang baryo ng Tierra Alta (independiente de su matriz) sa nakasasakop na bayan nitong Cavite El Viejo.
Hindi naaglaon ay lumabas ang dekretong ni gobernador heneral noong Hunyo 7, 1867. Ang hiniwalay na baryo ay pinangalanang Noveleta. Isinaad sa eskpisyente ang pagtatatag na makakailalim magtayo ng mga gusa tulad ng tribunal, casa escuela at katataga na bayan. Ayon kay Gervasio Pangilinan ay may apat na barangay ang Noveleta nang ito’y itatag, ang Siraan, Magaswang Sampaloc, Pasa de Tabla at Baloc-Baloc.
Ang mga nga kapangapanan ay itinalaga at Noveleta ay detalyadong isinalaysay ni Nicolas B. Ricafrente sa kanyang kaibigang si Catalino Angkiko. Ang salaysay na ito ay binigyang dokumentasyon ni Genaro P. Medina nang makapanyamapay niya si Angkiko.
Ayon sa kanyang pakikipanayam ay nakilala dati ang Noveleta sa tawag na Hulo at hienti Tierra Alta na nakasulat sa mga dokumentong Kastila. Ang dalawang katawagan ito sa dating Noveleta ay hindi magkasaulungat sapagkat ang ibig sabihin ng Hulo ay wikang tagalog ay mataas na lugar na pinanggagalingan ng tubig.
Ang Noveleta ay nasa mataas na lugar na tinatawag nilang Ilaya at dumadaloy pababa sa lugar na kung tawagin ngayon ay San Rafael. Hindi mababasa sa mga dokumento sapagkat katawagan ito ng mga Tagalog sa isang mataas na lugar. Ang mga Kastila, dahil sa hindi nila kabisado ang mga salitang Tagalog kaya tinawag nila ang Noveleta batay sa wikang Kastila na Tierra Alta na ang ibig sabihin ay isang mataas na lugar.
No comments:
Post a Comment