Showing posts with label Songs and Lyrics. Show all posts
Showing posts with label Songs and Lyrics. Show all posts

CAVITE Rap (Lyrics by: JPHILLY) featuring Lougee of Eat Bulaga


This video is directed and produced by Dino Reyes Chua

Koro:
Ito'ng istroya kung
'san ako lumake
Sa makasaysayang Bayan ng Cavite
Dito marami ang
mga katulad ko
Lahing matatapang at Dugong Matatalino
Verse 1: 
Noveleta Cavite dito ako isinilang
Dito nag simula pangarap ko napabilang
Na ang mga kwentong isinulat ay maging alamat
At makilala ang boses na sa dayuhang panapat

Bagamat ako'y di hamak na dukha at di mayaman
Ngunit ang kasaysayan ay Bakat na sa pangalan
Kung san ating bandila ay unang tinaas
Ang pinaglaban ng mga bayani ng di mapigtas

Pag samasama tayo'y mag kakapit-kapit kamay
Sariling wika na tagalog ang gamit panabay
At ang gaba'y ko ay ang lapis na syang gamit kong panulat,
Sa kapirasong papel ang stora'y pilit kong sinulat.

Marami sa'tin dito tuluyang nakalimot
Gigisingin ko kayo sa aking mga bagong ulat
Ang sugat ay nag hilom muli akong babangon
Cavite Pilipinas ito ang aking hamon.

Repeat Koro. 

Verse 2: 
Dasma, Imus, Bacoor, Silang
Tanza, Malabon, Naic, Ternate at Indang
Noveleta, Rosario, Baylen hanggang sa dulo
Amadeo, Tagaytay, Trece Aming kapitolyo

Emilio Aguinaldo Batas Anak ng KAWIT
Si George Canseco ang taga sulat ng aming awit

Marami pang iba dapat ko pa ba itong banggitin
Etong micropono ng pamana sakin ang ating-ating
Na pinag husay sa silid idudura sa sinomang
Mga dayuhang di gagalang oh sa amin manglamang

Ginapang ko ang kasaysayan binalek at sinariwa
Tinula ko ng tagalog na ito'ng gamit kong pang hiwa
Na sya'ng tatagos binabato aking bersikulo
Para makilala di kaylangan pa ng titulo

Eto ang panata para saking Bayan
Cavite lalagyan ko na'tong bagong kasaysayan.

Repeat Chorus: 2 Fade....

Artist / Songwriter / Arranger: JPhilly 

Noveleta Hymn (Himno ng Noveleta)

Noveleta Hymn
Noveleta, Noveleta
Bayan ng Kagitingan
Pagka't  dito ay sumilang
Mga bayani ng himagsikan 

Heneral Alvarez, 
Villanueva at San Miguel
Nakihamok - nakibaka
sa mananakop na dayuhan

Kay sarap na mamuhay
dito sa ating bayan
Ang hangin ay sariwa, 
Ang paligid ay payapa

Ang mga mamamayan 
ay may magandang asal,
At ang mga pinuno ay dakila at marangal

Noveleta, Noveleta
Bayan naming mahal
Kami ay handang maglingkod
Sa iyo o Bayan ko


Tayo na't magkaisa
Tungo sa kaunlaran

Noveleta, Noveleta
Saksi sa kalayaan
Dahil dito ay dumaloy 
Ang sting pambansang kasaysayan

Labanan sa Kalero
Bahagi ng nakaraan
Relihiyon,
Edukasyon at 
Lipuna'y ating yaman

Kay sarap manirahan
Dito sa aming bayan
Mga Tao'y maligaya
Kabuhayan ay sagana

Ang mga mamamayan
Laging maaasahan
At may lahing bayani
Mapagmahal sa Lipi

Noveleta, Noveleta
Bayan naming mahal
Kami ay handang maglingkod
Sa iyo o bayan ko

Tayo na't magkaisa
Tungo sa kaunlaran