Wh@t's Happening:
JANUARY 5, 1868-2026: 158th Anniverssary ng pagkakatatag ng bayan ng Noveleta
Showing posts with label denver chua. Show all posts
Showing posts with label denver chua. Show all posts

Sunday, May 12, 2024

Noveleta Fiesta 2024 with Magnus Haven at Itchy Worms

 
Ukmang-ukma ang mga bisitang banda ng town of Noveleta, 'di lang sila nakapagbigay saya, nakatulong rin sila na maka move-on ang lang mga kababayan natin na maipsan ang sakit na kanilang pinagdaraanan mula sa kani-kanilang broken relationships; mga taong may pinagdaraanan, mga pinaasa o 'di kaya'ý mga iniwan. Salamat sa regalong handon ni Congressman Jolo Revilla at Mayor Dino Chua at naging katuparan na mapanood ng mga taga Noveleta ang mga sikat na bandang Magnus Haven at Itchyworms. 
Mababasa sa comment section sa isa sa mga Tiktok videos ni Mayor Dino Chua na nare-request ng bandang Magnus Heaven.
Maraming mga font act artists ang nakapagbigay rin ng kasiyahan ng ipamalak nila ang kanilang angking talento at magarbong istilo sa entertainment. Sila ang mga nag-front act bago magsimulang mag perform ang mga pinakahihintay na banda. Busog naman sa komedya ang hatid ng host na bumuhay at nagpatawa habang inaantay ang banda.

Ika nga nila, Ïba ang Saya sa Noveleta", Saan ka pa? libre concert  na, at, back to back concert pa. Ito'ý lahat naganap sa takdang araw ng kapistahan ng Noveleta, Cavite May 03, 2024 sa Carnival Park ng bayan, barangay Salcedo 1.

Ang lahat ng ito ay di mangyayari kundi dahil sa malasakit ng butihing Mayor ng Noveleta na si Mayor Dino Chua, Board Member Davey Chua, at Team Unlad na patuloy na naghahanda ng mga ganitong kaganapan sa munting bayan ng Noveleta.

Related articles
     Photos - Noveleta TimesNoveleta Times

Monday, February 21, 2022

Bayan ng Noveleta naFeature sa Rated Korina Dahil sa Mabilis nitong Pag-unlad

"Masasabi nating umuunlad ang isang bayan kung kasama nitong umuunlad ay ang mga mamamayan nito", ito ang katagang binitawan ni Mayor Dino Reyes Chua nang tanungain sya  ni Ms. Korina Sanchez sa isang interview sa show nitong Rated Korina.
Nang dahil sa kanyang inilunsad na job fair na isinasagawa monthly at patuloy na walang mintis ay maraming mga nagapply at natatanggap sa trabaho kung kaya't nagkaroon ng spending power ang mga naninirahan dito at nabawasan ang tambay/ Dahil rin sa programang ito ay nagsulputan at nagtiwala ang mga business owners na magtayo ng kanilang mga establishamento sa bayan nakung tawagin ay "Bayan Ng Mga Bayani."
Mula sa minsang nabansagang tae beach ang lumang beach resort na ito sa Longbeach na kung saan ay merong mga lumulutang na mga tae, used diapers, at mga kung anuanong balat ng kendi o tsitsirya ang makakasabay mo habang nalulugo ka sa dagat na ito. Hindi man lamang ipinaalam sa taong bayan ng mga nakaraang nanunungkulan na contaminated na pala ang tubig ng Longbeach at bagsak na ito sa coliform test ng DENR. Kung kaya't nagsagawa ng weekly cleanup from LGU and nongovernment organizations upang manumbalik ang kaligtasan sa paliligo sa dagat at sa wakas ay naaprubahan na ng DENR at pumasa na sa Coliform test  dahil sa pagsusumikap at pamumuno ni Mayor Dino Reyes Chua.
Marami na ang naipatayo sa bayan ng Noveleta kagaya ng mga eskwelahan , Gymnasium at sa ngayon ay inaasikaso ang pabahay program.
Subalit nakikita  ng lahat ang problema sa traffic kung kaya't naaprubahan ang kanyang proyektong NOVELEX, Noveleta Exit, na napakalapad na kalsada na magdudugtong mula Noveleta hanggang CAVITEX.
Ang pangarapp ni Mayor Dino Reyes Chua na kung siya ay papalarin na manungkulan muli bilang Mayor ng Noveleta   sa ikatlong termino ay sisikapin nyang maging first class ang bayanng ito.
Ang interview na ito ay ipinalabas noong ika 1 ng Pebrero ng taong 2022 sa ABSCBN entertainment youtube channel at sa TV5 at A2Z channel.